Show nina Jose at Wally parating tinatao


Hindi kaya nagkakainggitan din itong sina Jose Manalo at Wally Bayola? Kung ang mga magkakadugo ay nagkakaroon din ng away sila pa kayang dalawa na friends lamang? O baka naman mas matimbang ang pagkaibigan kaysa pagiging magkamag-anak?
Successful daw ang mga palabas na tinatampukan nila. Kaya naman kapag sila ang bida sa mga shows na ginagawa nila, aba eh tinatao raw ito.
Pero balik ako sa tanong ko, ‘di ba kayo nagkakaroon ng away o digusto? Sino nga ba ang mas magaling sa kanila?
Suwerte ng Eat Bulaga sa kanila.
Sana lang ay manatili silang nakatapak para hindi agad sila pagsawaan ng mga tao.--Kuya Germs