Marian bibisitahin ang mga kriminal sa kulungan


Hopefully, bago umalis sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa November 11, para manood sa laban ni Manny Pacquiao sa Nov. 18, nairaos na ang Marian Rivera Registration Day para sa Red Cross Million Volunteer Run ng Red Cross sa December 4, sa SM Mall of Asia.
Bibigyan ng sariling araw ang aktres para siya ang personal na mag-asikaso sa friends, at fans niya na sasali sa biggest run ng Red Cross. Just wait for further announcement kung kailan at kung saan ito gagawin dahil aayusin muna ang schedule niya.
Nangakong sasama ang mga taga-Amaya at present nga sa presscon si Mikael Daez kahit wala na siya sa epic serye. Bilang suporta pa rin sa Red Cross, pumayag na si Marian na bumisita sa Women’s correctional at ‘pag nasanay na siya, next niyang bibisitahin ang mixed jails.--Nitz Miralles