Marian hindi naningil sa Red Cross


Pinalakpakan at pinuri ang pagbo-volunteer ni Ma­rian Gracia Rivera sa Philippine Red Cross (PRC). Ginawa niya ito hindi bilang ang sikat na si Marian Rivera kundi bilang isang Pilipino na nag­ha­hangad makatulong sa kanyang kapwa. Katuna­yan sa pinaka­malaking event ng PRC, ang Million Volunteer Run na magaganap sa Disyembre 4 ay hi­nikayat niya at pumayag naman ang lahat ng ka­sa­ma niya sa serye niyang Amaya para lumahok sa nasabing event. Nangako naman ang lahat na sa­sa­ma sila. Ganundin ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes.
Bukod kay Marian, nagpahayag din ng suporta ang ilang Regal Babies na kasama sa cast ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival gaya ng Shake, Rattle & Roll 13 at Yesterday, Today & Tomorrow.


Ang Million Volunteer Run ay sabay-sabay na gaganapin sa mga pangunahing siyudad at munisipalidad sa bansa. Hangarin ng PRC na makalikom ng isang milyong taong sasali rito. Kaya naman asahang magkukulay pula ang buong bansa sa pangunguna ni PRC Chairman Richard Gordon.
Lahat ng sasali sa Million Volunteer Run ay bibigyan ng pagsasanay sa pag­­hahanda sa kalamidad at iba pang serbisyo ng PRC. Upang makibahagi, mag-register sa www.run, redcross.org.ph o ’di kaya ay puwedeng bumisita sa punong himpilan ng PRC sa Port Area, Manila. Puwede ring pumunta sa pina­kamalapit na Red Cross Chapter o tumawag sa 527-0000.