Jinkee hindi naniniwala sa 'naanakan' ni Pacman!


Oh lilipad naman pala pa-Amerika si Jinkee Pacquiao para manood ng laban ng asawa ayon sa kumalat na kuwento kahapon.
Aalis daw ito after Undas.
Sinabi raw nitong hindi siya naniniwala sa tsismis at mahal na mahal niya si Manny Pacquiao.
Nag-promise na raw si Pacman na mananatili siyang loyal sa kanilang kasal.
Good for them. Lalo na kay Jinkee. At least na-realize niya na siya ang legal na asawa kaya wala siyang dapat ipag-alala.
Naging tahimik si Jinkee matapos sumabog ang balitang bininyagan ang anak ni Pacman sa isang babaeng nagngangalang si Kat Ordoñez na ayon sa source ay ang malalapit din naman kay Pacman ang pinanggalingan ng mga kuwento.--Salve Asis