Spooky Nights presents Sanggol

Nitz Miralles
Inunahan ni Lovi Poe si Sarah Lahbati kay TJ Trinidad dahil sa November pa eere ang Kokak nina Sarah at TJ, samantalang today na ang unang tambalan nina Lovi at ng aktor sa Sanggol episode ng Spooky Nights presents na isa uling hardcore horror episode sa direction ni Uro dela Cruz at script ni Sennedy Que.

Sa story, buntis si Maria (Lovi) kay Hector (TJ) at dahil hindi kasal ang dalawa, gustong ipalaglag ni Cecil (Tanya Gomez at ina ni Maria) ang bata.

Hindi pumayag si Maria, kaya ikinulong siya ng ina para itago ang kasalanan nito.

Habang lumalaki ang tiyan ni Maria, nakakarinig siya ng sanggol na umiiyak at duguang batang nagpapakita sa kanya.

Mabubunyag din ang lihim na nag-uugnay kay Cecil sa nanggugulong tiyanak.    

Mapapanood ang Spooky Nights presents… Sanggol after Manny Many Prizes.