Castaways kanya-kanyang pagbubuking


May narinig kaming tsikang sa Oct. 26 na ang balik ng remaining castaways ng Season 4 ng Survivor Philippines at iilan na lang sila. Binanggit sa amin ang mga names na naiwan, pero bawal isulat, basta ang masasabi namin, palaban ang dalawang girls na hindi aakalaing magtatagal.
Dapat pinagbawalan muna ang mga naunang na­alis na castaway na mag-tweet dahil nalalamang out na sila sa competition. Next season, dapat isama sa kanilang kontrata na iwasan ang mga social networking site after sila ma-eliminate para walang spoiler sa mga naunang naalis.