GMA, humakot ng parangal sa 33rd CMMA


Alfie Lorenzo

Humakot ng parangal ang GMA Network sa katatapos lang na 33rd Catholic Mass Media Awards (CMMA). Una sa listahan ng mga waging programa ng Kapuso Network ang banner newscast na 24 Oras. Ang pinakapinagkakatiwalaang newscast na pinangungunahan nina Mike Enriquez at Mel Tiangco ang nanalong CMMA Best News Programa para sa television category ngayong taon.

Kinilala bilang Best News Magazine Program ang State of the Nation with Jessica Soho ng GNTV, habang naiuwi naman ng early morning public affairs show na Unang Hirit ang Best Public Service Program award para sa telebisyon.


Ang I-Witness documentary ni Sandra Aguinaldo na Pasan-Pasan ang nanalong Best Educational Prog­ram, samantalang ang pioneering nakuha naman ng Born To Be Wild ang Special Citation para sa Best Adult Educational Program.


Panalo bilang Best Comedy Program ang Pepito Manaloto at Best Talk Show ang Mel and Joey (na nagpaalam sa ere nitong July 2011). Best Entertainment Program naman ang Sunday variety show na Party Pilipinas.


Nagkamit naman ng Special Citation para sa Best Children and Youth Program ang Saturday morning children’s show na Tropang Potchi.


Samantala, nanalo ng apat na parangal ang Super Radyo DZBB 594 khz, na patuloy ang pagdami ng tagapakinig sa mga key area sa bansa.


Ang Ikaw Na Ba? The Presidential Interview -- ang special radio program ni Mike Enriquez noong kasagsagan ng kampanya para sa Eleksyon 2010 -- ang nanalong Best Educational Program, habang ang Aksyon Oro Mismo ni Gani Oro ang nagkamit ng Best Public Service Program award sa Radio category.


Parehong Special Citations naman ang naiuwi ng Bangon Na, Bayan ni Joel Reyes Zobel (Special Citation for Best News Commentary) at Super Balita Sa Tanghali, Nationwide! nina Melo del Prado at Gani Oro (Special Citation for Best News Program).