Rhian Ramos doesn’t want to leave Pacman

Kung si Rhian Ramos ang tatanungin, ayaw niyang i-give up ang kanyang hosting job sa  Manny Many Prizes kapag  nagsimula na siyang mag-taping ng Sundo soap nila ni Dingdong Dantes at sinimulan na rin ang shooting  ng Valentine’s  offering  ng  GMA Films, kung saan ka-partner niya si  Aljur Abrenica.

Ani Rhian: “ Masaya ako sa programa dahil ang da-ming tao tuwing Sunday na pumupunta sa show. Bu-kod pa sa nasasanay na ako sa ginawa ko rito.”  “Na-meet ko rito  ang winner ng American Idol na si Scottie McCreery na napaka-down to earth.”   Natuwa rin si Rhian nang ma-meet niya ang American Idol Filipino finalists na sina Thia Megia, Pia Tos-cano at Stefano Langone.

Kung may iiwan mang show si Rhian, ito ay ang programa niya sa GMA TV News Channel 11, at si Iza Calzado ang ipapalit sa kanya. --
Noel Asiñas