Aljur karangalan ang Lapu-Lapu Role
Kinumpirma ni Aljur Abrenica na papasok siya sa Amaya at kung matutuloy, this week na ang taping niya. Hindi pa lang sure ang aktor sa magiging role niya sa epic serye dahil wala pa siyang hawak na script, pero may nagsabing gagampanan niya ang role ni Lapu-Lapu.
“Malaking karangalan sa akin na mapasama sa Amaya dahil primetime at makakatrabaho ko si Marian Rivera, idagdag pa si Ms. Gina Alajar at ang ibang cast at si Direk Marc Alejandre. Malaking karangalan din sa akin kung totoong leading man din ako ni Marian sa epic serye dahil lahat ng shows niya successful,” pahayag ng Kapuso actor.
Nakausap namin si Aljur sa na-organize na fans day at promo ng album niya ng NMI sa pangunguna ni Connie Tungol under Sony Records na ginawa sa Trinoma Activity Center last Friday. Naintriga lang kami dahil wala ang name ng Sony sa tarpaulin at ang nandun ay Ivory Music & Video.
Gagawa ng pelikula sa GMA Films si Aljur kasama sina Bela Padilla at Rhian Ramos, wala pang details tungkol dito at November pa ang shooting. Mauuna siyang mag-shooting sa Mr. Wong ni Robin Padilla na entry sa Metro Manila Film Festival.--Nitz Miralles