Michelle, todo kayod para magkabahay
Mas challenging para kay Michelle ang ganoong role.
May mapangahas ang role niya sa Kung Aagawin Mo ang Langit dahil may love scene sila ni Mike Tan.
“Pero siyempre po, hindi masyadong daring ‘yung love scene. Pan-TV lang dahil baka ma-X lang ‘yon ng MTRCB. Iba pa rin ang love scene kapag sa pelikula, pero siyempre, masunurin ako sa direktor namin.
“Ginawa ko kung anuman ang ipinagawa sa akin ng direktor namin sa love scene namin ni Mike,”napapangiting pahayag ni Michelle.
Masaya si Michelle dahil almost two months lang siyang walang regular TV series after Captain Barbell.
“Naku, Tito Jun, kailangang mag-work nang mag-work dahil gusto kong makabili na ng bahay next year.
“Si Ehra kasi, nakabili na ng townhouse, kaya next year, gusto kong makabili ng sarili kong place,” sey ni Michelle.
Umaasa si Michelle na magugustuhan ng mga tao ang Kung Aagawin Mo ang Langit na kung saan bida rin si Carla Abellana.--Jun Lalin