Rich at Ervic, naudlot ang relasyon
Nakiusap si Aljur Abrenica na tigilan na sana ang pagkakalat ng isyung gusto na niyang makipagbalikan kay Rich Asuncion.
Nang nakausap namin si Aljur sa Cosmo Bachelor Bash, nagpahayag siya ng pagkalungkot kung bakit hindi pa rin sila tinitigilan ng mga intriga.
Ayon kay Aljur, “Gusto ko lang linawin, kami ni Rich, magkaibigan lang kami. Kung may communication man kami, dahil sa pagiging civil namin, pero hindi totoo ‘yung nagkakabalikan kami.
“Magkaibigan kami ni Rich. Iisa kami ng network. Iisa kami ng handler. So, hindi talaga maiiwasan na magkikita kami at kung mag-usap man kami, bilang magkaibigan na lang ‘yun.”
Aware din siyang nali-link si Rich kay Ervic Vijandre kaya nakakahiya rin daw sa huli.
“Pakiusap lang, nakakahiya rin kay Rich saka kay Ervic na nasasali pa ‘yung pangalan ko sa kanilang dalawa and may kanya-kanya na kaming buhay and I want Rich to be happy.
“Gusto kong maging okay na siya and sa nakikita ko, masayang- masaya siya kay Ervic, and sana, hindi na ako masali sa kanila, pakiusap lang po,” pahayag ni Aljur.
Ganu’n din ang reaksyon ni Rich sa isyung iyun.
Nakakahiya rin daw kay Kylie dahil alam niyang okay na okay ang dalawa kaya bakit daw nagkaroon ng ganu’ng isyu?
Nu’ng huling nakausap namin si Rich, naikuwento niya sa aming walang nagyari sa closeness nila ni Ervic.
Totoong nagde-date sila at masasabing may mutual understanding na, pero nitong mga huling araw ay hindi na sila nagkikita.
Tingin daw ng actress/beauty queen, hindi pa siya handa sa seryosong relasyon kaya masasabing naudlot ang kung ano mang relasyon sana nila ni Ervic.
“Busy naman siya (Ervic), ako naman, busy rin. Huwag na lang muna siguro. Saka natatakot pa talaga ako sa bagong relasyon,” pakli ni Rich.--Gorgy Rula