Richard nangitim sa isla


Tan na tan ang kulay ni Richard Gutierrez nang umapir ito sa birthday party ng kanyang madir na si Annabelle Rama dahil babad siya sa sikat ng araw sa taping ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles.
Pumayat din si Richard dahil dinala nito sa island na pinuntahan ang kanyang bisikleta kaya kumpleto siya sa exercise.
Siyempre, na-miss ni Richard ang pamilya at mga kaibigan niya dahil sa kanyang matagal na pagkawala sa sirkulasyon.