Raymart at Claudine, tikom pa ang mga bibig


Lolit Solis

Abangan ninyo ngayong hapon sa Startalk ang mga updates tungkol sa gulo sa pagitan ng mag-asawangRaymart Santiago at Claudine Barretto at ang kuwento ng pagkakasangkot ni Ruffa Gutierrez sa break-up ninaJohn Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.
Tahimik pa ang kampo nina Raymart at Claudine as in hindi sila nagsasalita tungkol sa insidente na nangyari sa isang bangko noong Martes na nagbigay ng confirmation sa matagal nang tsismis na may malaking problema ang mag-asawa.
May mga sumubok na tawagan ang abogado ni Claudine dahil ito mismo ang nagsabi ang kanyang lawyer na lang ang tanungin ng mga reporters pero hindi sinagot ni Atty. Agnes Maranan ang mga text messages sa kanya.
Hindi rin sila nagbibigay ng press statement kaya puro haka-haka lamang ang mga nababasa natin. Mas mabuti pa rin na manggaling sa mag-asawa ang paglilinaw para maiwasan ang pagkakasangkot sa isyu ng mga tao na walang kinalaman.
May mga kuwento na nakarating sa akin pero mahirap i-share dahil hindi naman ako witness sa mga nangyari.