Jinkee, pupuntahan na si Manny sa US


Gorgy Rula

Ang latest na nabalitaan namin, tuloy na raw si Jinkee Pacquiao sa Amerika para suporta­han ang laban ni Manny Pacquiao.
Lahat ng talk shows ay gusto siyang kapana­yamin tungkol sa hinaharap nilang intriga pero wala siyang pinagbigyan.
Kahit ang ilang taong malapit sa kanya ay hindi sinasagot ang mga tawag para magpatulong na ma-interview ito.
Nabasa namin sa philboxing.com ang artikulong isinulat ni Robbie Pangilinan kaugnay sa ilang pahayag ni Jinkee.
Ayon sa asawa ni Manny, masuwerte siya at hindi siya ang other woman.
“Suwerte ko I’m the original, not the other woman,” ayon kay Jinkee.
“This rumor is a distraction and a destruction. It will only slow and hurt Manny. I don’t want him to worry.
“I love my husband very much. I trust him, because he promised he will not get involved with anyone anymore, after Krista,” bahagi ng pahayag ni Jinkee hango sa interview sa kanya sa philboxing.com.
Binawi na raw ni Jinkee ang sinabi niya noon na hindi siya pupunta ng Amerika.
Tutuloy na raw siya at sa November 4 ang alis niya patungong Los Angeles, California. Kinabukasan ay tutuloy na siya ng Las Vegas, Nevada.
Kailangan daw ni Manny ng kanyang suporta. Natawa pa si Jinkee sa sinabi niyang, “I will deal with him after the fight.”
Makakasama ni Jinkee na umalis ang kanyang kakambal na si Janet Jamora.