Sheena, nakahiligan na rin ang boxing


Kinakarir na ni Rocco Nacino ang mixed martial arts na nakahiligan niya sa Mojo Gym.
Nagulat ang mga trainor ni Rocco dahil ang galing na niya sa boxing.
Sa katunayan, lumaban si Rocco sa isang event ng Mojo Gym dalawang linggo na ang nakaraan.
Nakalaban niya ang pambato ng ibang gym at siya ang nanalo.
Muntik pa raw niya itong ma-knockout sa second round.
Ngayon naman ay pinaghahandaan ni Rocco ang MuayThai dahil may laban din daw siya sa susunod na buwan.
“‘Pag nakapaghanda nang mabuti, lalaban po ako sa Muay Thai. Masarap kasi, parang nakakadagdag ng confidence,” pahayag nito.
All-out ang suporta ng kasintahan niyang si Sheena Halili na nakahiligan na rin ang boxing dahil laging magkasama silang nagdyi-gym.