Sa takot na hindi mag-rate, Joshua at Barbie hindi na paghihiwalayin


Matatahimik na siguro ang fans ninaBarbie Forteza at Joshua Dionisio sa sinabi ng una na si Joshua pa rin ang ka-love team niya sa afternoon soap na Ikaw Lang ang MamahalinNanganib kasing bigyan ng ibang kapareha ang young actress dahil nagkaroon ng konting problema kay Joshua.
Kaso, naisip ng GMA 7 na baka hindi tangkilikin mas­yado ng viewers kung iba ang makakapareha ni Barbie, kaya ibinalik si Joshua.
Ibinigay kaya ng network ang nire-request daw ng kampo ng young actor?
Inisip ng network na si Derrick Monasterio ang ipareha kay Barbie, pero hindi na ito tuloy. Ang matutuloy ay ang pagsasama sa cast ng Ikaw Lang ang Mamahalin  sa tambalan nina Kristoffer Martin at Joyce Ching, kaya unti-unti silang mawawala sa Munting Herederana mahaba pa naman ang extension.--Nitz Miralles