International movie ni Dingdong ire-release na

Nabasa naming this year ang release date ng Dance of the Steel Barang pelikulang pinagsasamahan nina Dingdong Dantes at ng Hollywood actor na si Patrick Bergin, pero bakit wala pang balita tungkol dito?



Sina Cesar Apolinario at Marnie Pulumbarit ang directors ng movie na kundi kami nagkakamali’y co-producer din si Dingdong.
Samantala, nagsimula nang mag-shooting sina Dingdong at Kris Aquino ngSegunda Mano at tinatapos din ng actor ang Aswang nila ni Lovi Poe na co-producers sila ni Dondon Monteverde.
Magpapa-busy pa kay Dingdong ang Protégé, kung saan siya ang Gala Presentor. Every Sunday siya magho-host ng singing competition, 8:30-9:30pm. Malapit na rin siyang mag-taping ng Sundo.--Nitz Miralles