Iza Calzado nagulat sa pagkakalink kay Pnoy


Nakatakdang bumalik ng bansa si Iza Calzado mula Vancouver, Canada mula sa isang event doon ng GMA Pinoy TV.
Nagulat ang aktres bakit natsismis siya kay President Noynoy Aquino dahil nagkakilala lang daw sila sa birthday party ni Ogie Alcasid.
Pagkatapos ng party na iyun ay hindi na sila nagkita uli ni PNoy dahil umalis na si Iza pa-Canada.
Paano raw nangyari iyung nag-date pa silang da­lawa dahil wala na siya rito sa Pilipinas?
Ayaw na sanang pansinin pa ito ni Iza dahil hindi raw totoo, pero mukhang mapilitan siyang sagutin ang isyu para malinawan ang lahat.        
Nag-react na rin ang ilang taong malapit kay Iza na malabong mangyari iyun dahil kabi-break lang ng aktres sa kanyang non-showbiz boyfriend, at hindi pa ito handa sa panibagong relasyon.
Ayaw ni Iza ng magulong relasyon kaya malabong mataypan nito si PNoy.
Abangan na lang natin ang pagbabalik ni Iza mula Canada para sagutin ang naturang isyu.