Marian on feud with Rhian: No big deal
Mario Bautista |
“Wala naman kami talagang naging away,” she said. “Wala lang chance na magkita kami’t magkausap, so ngayon, may eksenang magkasama kami sa ‘Panday 2’, di nag-usap kami, also sa pictorial. May mga nagsasabing inaaway ko siya kasi siya ang kapareha ni Dong (Dingdong Dantes) in his next soap. Ba’t ko naman siya aawayin dahil doon, e nagkasama na sila before sa ‘Stairway to Heaven’? Basta ako, walang sinumang inaaway. Ang sweet-sweet ko nga. Peace na lang tayong lahat.”
She and the rest of the “Amaya” cast are happy that the show has been extended up to thesecond week of January, 2012, along with another GMA-7 toprater, “Munting Heredera”. “Siyempre, we’re all glad dahil sigurado ng may trabaho kami sa Pasko at maganda ang pasok ng bagong taon for all of us. In the meantime, ginagawa ni Direk Mac Alejandre and headwriter Suzette Doctolero ang lahat para mas gumanda ang takbo ng kuwento with more twists and surprises. Gina Alajar as Lamitan will continue to poison the mind of Glaiza de Castro as Binayaan para maniwala itong ako ang dahilan kaya nabaliw ang kapatid naming si Rochelle Pangilinan as Marikit. If you’d notice, ang dating may pag-ibig sa’kin na si Sid Lucero as Bagani, mortal ko ng kaaway ngayon at tinutugis ako. Magkakaroon kami ng showdown.”