Aljur, magpapakitang-gilas sa ‘Amaya’


Alfie Lorenzo

Malapit nang lumabas si Aljur Abrenica sa epikseryeng Amaya bilang Manikiad na si Dayaw.
Ang Manikiad ay ta­guri sa isang tao na nakapatay ng isa o dala­wang tao.
Sinasabing ang Manikiad ay next in line sa pagiging Bagani, isang warrior chief.
Ngunit iba si Dayaw. Palagi siyang naaatasan na magdala ng kani­lang mga kalakal (prutas, gulay, baskets) sa mga taga-ibaba (mga taga- kapatagan o taga-dagat) o taga­labas, kaya exposed siya sa ibang tao, kultura at paniniwala.
Naniniwala si Dayaw na para sila ay matuto, kailangan nila ang outsi­ders upang mapag-aralan ang kultura ng mga ito.
Syempre pa, tulad ng ibang mga aktor sa Amaya ay ibibilad dito ni Aljur ang kanyang abs.
Hopefully ay graduate na si Aljur sa Machete acting, huh?!