Marian is 'Juiciest celebrity'


 
Nakaka-three years na pala ang Juicy, ang original daily talk show ng TV5.
Lalong pinalakas ito nu’ng sumama na sina Cristy Fermin, Mo Twister at Shalala sa original hosts nito na sina Alex Gonzaga at IC Mendoza.

Aba, mas bongga pa ang staying power ng Juicy kaysa sa SNN, na tumiklop na despite Boy Abunda’s presence in the show.

For their weeklong 3rd anniversary presentation, pinarangalan nila ang Juiciest Male and Female Showbiz Personality of the Year.

At si Marian Rivera ang tinanghal na Juiciest Female at si Jake Cuenca naman ang Juiciest Male.

Hitik pa rin sa intriga at kontroberya si Marian sa nagdaang taon pero nagtapos na siya on a positive note lalo na’t nagkasundo na sila ng host ng Juicy na si Cristy Fermin.

Nanalo naman si Jake dahil sa walang patid na intrigang ibinabato sa kanya kung saan ang latest, ang pagregalo daw sa kanya ng mga bala ni Cong. Singson dahil sa pagdi-date raw nila ni Lovi Poe, na ex (?) ng anak nitong kongresista na nananatiling nakapiit sa Hong Kong.   

More power sa Juicy na alam naming magtatagal pa nang husto!