Solenn's friend wants to meet Lovi
Expected na anytime this week ay darating ang childhood friend ni Solenn Heussaff na sikat ngayong Rugby player sa Europe.
May dugong Pinoy-Welch, siya’y si Gareth Leslie ‘Gaz’ Holgate, 24. Invited siya ni Solenn sa ‘Pinas para muling maka-minggle ang binata. Gusto ring makita ni Gaz ang Pi-lipinas, na sa mga kuwento lang ng kanyang ina niya na na-ririnig ang kaganda-han ng bansa at kabaitan ng mga Pinoy.
Ayon sa aming source, ipakikilala ni Solenn si Gaz kay Lovi dahil kinukulit siya ng childhood friend na ipakilala sa Pinay actress na madalas makita ang photos nito sa internet.
Wala namang masama kung mag-meet sina Lovi at Gaz dahil very single na-man ang actress na super- busy sa kanyang career. Aba, may bagong movie sa Regal si Lovi, ang As-wang. May another movie pa rin si Lovi na kapartner naman si Dingdong Dantes.
Si Dingdong at Dondon Monterverde ang produ-cers ng movie na ito na ididirek ni Erik Matti.
Ang Aswang sa Regal ni Lovi ay kapatner niya si Paolo Avelino.
Anyway, gustung-gusto raw pumunta sa Pilipinas ni Gaz. Off season na yata ng play ng binata sa Europe kaya papasyalan ang lugar na sinilangan ng kanyang inang Pinay.
Si Gaz ay ipinanganak sa St. Asaph, Denbighshire, Wales at kasalukuyang naglalaro para sa Japanese team na Kyuden Voltex. Ang position niya’y center, pero naglalaro rin siya ng fly-half.
Si Gaz ay lumaki sa Gwaenysgor, near Prestatyn, at nag-aral sa Rydal Penrhos in Colwyn Bay. Habang nag-aaral at naglalaro sa school team niya, nagsimula na rin siyang maglaro ng rugby sa Rhyland District RFC hanggang 2007.
Nahinto lang siya nang lumipat sila ng tirahan kung saan nag-aral siya sa UWIC.--Noel Asiñas