Direk Yam Laranas returns With Upcoming Horror Movie "The Road"
Huling ginawa ni Direk Yam Laranas ang Patient X nina Richard Gutierrez at Cristine Reyes.
Nagbabalik siya sa GMA horror flick na The Road na ayon sa director, 2005 pa niya na-conceptualize ang kuwento.
“After Sigaw, ito na ang kasunod kong sinulat. Parang may timing lang siguro. Nagkataon. Mas complicated kasi ’yung kuwento na isulat pero masarap panoorin.
“Maraming events na nangyayari dahil ’yung 30 years na crime, biglang nagkaroon ng haunting sa road. Biglang nagkaroon ng present at nagkaroon ng investigation,” kuwento ni Direk Yam.
Nasa cast ng movie sina Carmina Villarroel, Marvin Agustin, Rhian Ramos, Alden Richards, Derrick Monasterio, Barbie Forteza, Lexi Fernandez at TJ Trinidad.
Pagdating naman sa career niya sa abroad after ng The Echo, pabalik-balik si Direk Yam at meron na raw siyang agents na namamahala sa pagbebenta sa kanya bilang director.
Dito sa bansa, mas gusto niyang konsepto niya ang pelikulang ididirek at sa The Road, siya rin ang director of photography.