The Road ready for international sale
Hindi lang director ng The Road si Yam Laranas, siya rin ang director of photography ng GMA Films movie na showing sa October 12 at katulong ni Aloy Adlawan sa script at co-editor din ng movie.
Noong 2005 pa nasulat ang The Road, pero ngayon lang nagawa at mas crime-driven daw ang movie na tatakbo ng 30 years ang story.
May rason kung bakit black and white ang trailer nito. Gusto ni Direk Yam na umuwi ang tao mula sa sinehan na matatakot sa daraanan.
Ito na ang movie ni Direk Yam na may pinakamaraming cast at si TJ Trinidad ang magsisilbing link sa mga karakter.
Nabanggit din nitong open ang GMA Films for international sale ng movie, may inquries na for distribution after i-post niya ang trailer sa Internet.
Sa November, dadalhin niya sa American market ang movie at umaasa ng positive result ang direktor.