Camille, ayaw umuwi sa bahay nila ni Anthony


Ruel Mendoza

Naihatid na nga sa kanyang huling hantungan ang labi ng mister ni Camille Prats na si Anthony Linsangan sa Manila Memorial Park sa DasmariƱas, Cavite nitong nakaraang Martes sa kasagsagan ng bagyong ‘Pedring’.

Pero kahit nga may bagyo, hindi naantala ang schedule ng paglilibing sa mister ni Camille. Na-delay lang ng ilang oras ang dapat na paghatid dahil hinintay lang ng pamilyang Prats at pamilyang Linsangan na humina ang malakas na hangin at ulan.


Humarap nga sa media ang biyuda ni Anthony na si Camille at taus-puso siyang nagpasalamat sa mga taong nagbigay ng suporta sa pamilya nila ng yumaong asawa.


“Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bawat araw na darating. I am with him every day. Halos lahat ng gawin namin ay magkasama kami.


“Kaya it will be hard for me to think na wala na siya. But I am happy at the same time because I know that Anthony is in a better place now. Wala na siyang nara­ramdaman na pain at alam kong masaya siya because we did what we can para madugtungan ang buhay niya.


“But I will be strong for our son, Nathan. Si Nathan ang magiging magandang memory ko ng pagsasama namin ni Anthony. Kahit na sa maigsing panahon na nagkasama kami bilang mag-asawa, nand’yan naman ang anak namin para ituloy ang buhay n’ya,” pahayag pa ni Camille.


Magbabakasyon nga muna si Camille dahil sobra raw siyang na-stress sa mabilis na pangyayari sa buhay niya. Pero magte-taping muna siya ng ilang eksena para sa Munting Heredera bago siya magbakasyon ng isang linggo.


“Mahal ko ang show namin at lahat kami roon ay isang pamilya. I want to be around them kasi napapasaya nila ako. But I will take a break muna for just one week. Gusto ko lang ayusin ang lahat and then I can get on with my life.”


Pansamantala na sa bahay ng kanyang parents sa Cainta, Rizal titira si Camille at ang kanyang anak.

Hindi pa raw kaya ni Camille na umuwi sa bahay nila ng kanyang yumaong asawa.

“Hindi ko pa kayang umuwi sa bahay namin ni Anthony. Malulungkot lang ako. Sabi nga nila na, I have to be with the people who will look after me lalo na sa ganitong mga sitwasyon.


“But I will be back din sa bahay namin. Binuo namin ni Anthony ang bahay na ‘yon and maraming happy times kami ro