Kylie Padilla is the next Snooky Serna


Nitz Miralles


May next project si Kylie Padilla sa GMA-7 dahil after Dwarfina, gagawin niya ang TV adaptation ng pelikulang Blusang Itim. Sa mga nag-audition na Kapuso talents, siya ang napiling gumanap sa role ni Jessa na unang ginawa ni Snooky Serna.

Ang kapatid nina Maxene, Saab at Elmo Maga-lona na si Frank Magalona ang leading man ni Kylie at gaganap sa role ni Richard Gomez at si Carl Guevarra ang kontrabida. Si Wynwyn Marquez ang kontrabidang babae at si Jay Altarejos ang director. Taping starts next week after ng workshop ng cast.

Proud daddy daw si Robin Padilla nang malamang may launching project na si Kylie at alam na rin ng mommy niya ang good news at ang payo nito’y galingan niya ang trabaho at ‘wag kalilimutang magdasal.

Sa tanong kung anong feeling na bida na siya, sabi ni Kylie, “Sobrang saya! Talagang hinintay ko to have my own show at thankful ako sa GMA for trusting me with the project. Siguro, nagustuhan nila ang ginawa ko sa audition, kaya ako ang napili nila to play Jessa’s role.”