Aljur and Kris together again

Simula ngayong April 30, ang tambalan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang muling susugalan ng GMA7 via Spooky Night Presents Ring Tone.

Ang Al-Kris loveteam ay nagbabalik sa isang horror comedy series na hango sa Asian horror films tulad ng The Ring, The Grudge at The Eye.

Maginoong bastos na nanliligaw sa isang sweet girl ang role ng dalawa at inaasahan nilang ikaaaliw ng kanilang followers.

Sa direksyon ni Lore Reyes, makakasama nina Aljur at Kris sa series sina Sam Pinto, Sef Cadayona, Gerould Aceron, DJ Rico Robles, Gene Padilla; Benjie Paras at Moymoy Pa-laboy sa kanilang surprise roles.

Mapapanood ang Ring Tone tuwing Sabado bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.