Three new characters enter Munting Heredera

Nitz Miralles
Naloka si Direk Maryo J. delos Reyes sa nalamang may matandang viewer ng Munting Heredera na dahil mahina na, nangangambang baka hindi maabutan ang ending ng soap dahil extended ito up to the second week of January 2012.

Aabot ng seven months ang airing ng Muher at may mga papasok na bagong karakter gaya ni Andrea del Rosario as Bobby Andrew’s wife, batang totoong may cerebral palsy at isang young actor na ayaw munang pangalanan.

Ang contemporary dialogue at mga nangyayari ang sabi ni Direk Maryo ay ilan sa mga rason kung bakit nag-klik ang soap at idagdag pa ang magagaling na cast.

Nakunan na ang death scene nina Kristoffer Martin at Joyce Ching, pero kung si Direk Maryo ang nasunod, gustong i-delay ang pag-exit ng dalawa.

Gusto niyang magrebelde muna si Kristoffer, pero kailangan na sila sa Ikaw Lang ang Mamahalin na kahapon ang first taping day at October 10 ang pilot.