Roderick, maglaladlad sa ‘Munting Mahadera’
Kapuri-puri ang pagdadrama ni Roderick Paulate sa teledramang Mun-ting Heredera.
At mamayang gabi… magpapakuwela siya bilang closet gay na si Rody sa episode ng Spooky Nights Presents na Mun-ting Mahadera.
Sa istorya, kahihiwalay lamang ni Rody sa kanyang asawa. Naiwan sa kanya ang mga anak niyang kambal -- ang pasaway na si Bembem at ang tahimik na si Jenjen (kapwa ginagampanan ni Barbara Miguel).
Nakitira sila sa bahay ng ina ni Rody na si Felicia (Luz Valdez).
Nakahanap ng bagong playground si Bembem sa bahay ng kanyang lola.
Babalewalain ni Bembem ang bilin ng kanyang lola na huwag buksan ang isang silid.
Mapapawalan ni Bembem ang masamang bruha na naninirahan doon.
Hahanap ang bruha ng makakasama niya sa mundo ng mga anino… at matitipuhan niya si Jenjen!
Maagaw kaya ng masamang bruha si Jenjen kina Rody at Bembem?
Ano ang magiging reaksyon ni Felicia kapag nalaman na niya ang lihim ni Rody?