Frencheska, Jonalyn at Julie Anne, patalbugan sa pagbirit!


Magpapatalbugan sa pagpapakita ng vocal calisthenics ang tatlong biretera ng Party Pilipinas na sina Jonalyn Viray, Frencheska Farr at Julie Anne San Jose ngayong gabi sa Music Museum, sa show nilang Beyond Limits.

Ang tatlong dilag na ito na itinuturing na country’s most promising young singers and GMA Artist Center (GMAAC)’s best musical artists ay susubukan ngang i-explore ang limits ng kanilang mga talents.


Si Jonalyn ay unang nakilala sa Pinoy Pop Superstar, si Frencheska naman sa Are You The Next Big Star, at YouTube sensation naman si Julie Anne.


Sold out na ang tiket ng Beyond Limits, kaya abot tenga rin ang ngiti nina Soc Mina (musical director), Ernie Duque (stage director), Joey Nombres (lighting director), lalo na ang Creative Media Entertainment.


So, sa mga nakabili ng tiket, sure na kayo sa mga pasabog na ito ng tatlo ngayong gabi sa Music Museum.--Alfie Lorenzo