Ricky pahinga na sa tension ng Sisid


Balik sa pagiging aktor si Ricky Davao sa drama series na Kung Aagawin Mo ang Langit. Ginagampanan nito ang role ni Delfin Martinez, ang mabait na ama ni Ellery Martinez (Carla Abellana) at siguradong makakapagpahinga siya sa tension na naramdaman niya nang idirehe ang Sisid.
Nabanggit na ni Ricky na kahit nagdidirek siya, hindi pa rin niya iiwan ang pag-aartista dahil magkaiba ang fulfillment na nakukuha niya bilang director and actor. Idagdag pa na less ang trabaho ng artista dahil aarte lang, unlike sa direktor na inaasikaso at pinoproblema lahat ang taping.--Nitz Miralles