Bela ayaw pang itodo ang pagpapa-sexy


Ending ngayon ng Sisid at nakuwento ni Bela na dapat may eksena siyang naka-two-piece swimsuit, pero hindi pumayag ang GMAAC at pinagsuot siya ng sando. Pabor din naman sa kanya ang paghihigpit ng talent center dahil feeling niya, hindi pa right time for her na maging daring sa TV at sa pelikula man.
“Puwede akong magpa-sexy kung talagang kaila­ngan, pero puwede namang palampasin. Saka, hindi ko sariling show ang Sisid at wala na akong ipapakita sa susunod kung maaga akong magpapa-sexy,” sabi ni Bela.
Bukod sa pelikula nila nina Rhian at Aljur, excited na rin si Bela sa teleser­yeng gagawin sa GMA 7 at pumalakpak pa sa narinig na baka makasama niya si Iza Calzado na isa sa gusto niyang makatrabaho.--Nitz Miralles