Michael Tan nagbunga ang paghihintay

Para kay Michael Tan, it pays to be loyal dahil after six years, binigyan siya ng lead role ng GMA-7 sa Kung Aagawin Mo ang Langit.

Napi-pressure siya sa pilot ng soap sa Monday dahil kailangang mataas ang rating nito at maganda ang story, pero malaki ang tiwala niya kay Direk Jay Altarejos at sa mga writer ng drama series.

Inamin ni Mike na na-depress siya noong time na wala siyang ginagawa, pero wala siyang nagawa kundi maghintay at ngayong dumating ang break na hinihintay, gagawin niya ang lahat para ipakitang deserving siya sa tiwala ng GMA-7.

“Thankful ako at happy na sina Michelle Madrigal at Carla Abellana ang kapareha ko at masaya rin sa iba kong kasama,” ani Mike.

May kumontra lang sa aktor, hindi raw ang Kung Aagawin… ang first lead role niya dahil nagbida na siya dati sa Now and Forever at lead din siya sa Trudis Liit.