Mark staying away from woman
Hindi naniniwala si Mark Herras sa isyung ibinabato sa kanya na dahil sa girlfriend niyang si Ynna Asistio, lumubog ang career niya.
"Ngayon kasi, I'm doing a movie, I'm doing Time of My Life. Kahit paano, nakakaraket pa rin ako out of town. Kaya hindi ko tini-take 'yon na negative. And I'm happy with Ynna.
“'Yun naman ang mahalaga, eh. As long as hindi siya nakakasira sa trabaho ko, hindi nakakaapekto!" pahayag ni Mark nang makausap namin sa taping ng Time of My Life.
So, hindi na siya tumitingin sa ibang babae ngayon?
"Wala na! Siguro before. Five years ago, hahaha!" sagot niya.
Ang bilis naman niyang magsawa sa babae, huh!
"Hindi naman. Kasi... ano ba? Siguro, masyado lang kasi akong naging maaga, hahaha!" rason ni Mark.
Maagang naglandi?
"Hahaha! Oo, 'yun ang term! Hahaha! Masyado akong maagang naglandi.
“Hindi ko naman sinasabi na nag-menopause na ako sa paglalandi. Kung 'yon ang magiging dahilan para magkaroon ako ng bad issue na naman, ba't ko pa gagawin?
“Nananahimik na ako. Bakit ko pa ibabalik 'yung ‘Mark Herras, playboy!'" katwiran ng young actor.
Siya ba ang tipo ng lalaking magpapakasal?
"Someday, magpapakasal ako. I want, I want! Gusto ko ng normal na pamilya. I want to have a family... na ikasal.
“Siyempre, I want to have babies. Babies daw, hahaha! Gusto ko marami! "Kung ikaw ay isang lalaki, 'yon ang gusto mong gawin... ang magkaroon ng family someday. “Gusto mong magkaroon ng pamilyang inuuwian mo every night, ’di ba?" diin ni Mark.
Galing kasi siya sa broken family at ayaw niyang maulit ang paghihiwalay nila ng mommy at kapatid niya.
"Gusto ko ng kumpletong pamilya!" deklara pa ni Mark.--Jun Nardo