Juan Manuel Marquez mag-guest sa Manny Many Prizes

Pinag-uusapan na ngayon ang pagdating sa bansa ng magiging kalaban ni Manny Pacquiao na si Juan Manuel Marquez. Balitang isa sa magiging guests ni Manny si Juan Manuel sa kanyang mala-ganap na  game show, ang Manny Many Prizes!  na magaganap sa  Sept. 3.

Bongga ang pag-guest ng boksingerong si Juan Ma-nuel ng bansang Mexico sa  isang show sa Pilipinas. May nagtsika pa sa amin na baka gawin ang episode ng Manny Many Prizes! sa Quirino Grandstand sa Luneta, Manila.

Anyway, ngayong  Saba-do ng gabi sa Manny Manny Prizes! ay mas maraming malalaking premyo ang ipa-mimigay ni Cong. Pacman sa kanyang live audience at televiewers.   

Big show ang magaganap sa Ynares Sports Arena sa Shaw Blvd, Pasig ngayong gabi na live na live. Maka-kasama ng pound-for-pound king na si Manny Pacquiao ang cast ng pina-kabagong Kapuso primetime show, Iglot, na sina Claudine Barretto, Jolina Magdangal, Pauleen Luna at Marvin Agustin.

Present din ang cast ng pelikulang Tween Academy na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Bine-ne,Jake Vargas, Lexi Fer-nandez, Alden Richards, Kristoffer Martin, at Yassi Pressman.

Makikisaya ang bibong Kapuso child star na si Jillian Ward with the Philippine Ballet Theater. Samantalang  hahangaan naman ang YouTube sensation and now Kapuso artist na si Leana.