Claudine Barreto insecure with Milkcah Wynne Nacion?

Sa Lunes na ipapalabas ang bagong teleserye ni Claudine Barretto na Iglot disproving once and for all ang isyung ayaw  niyang makasama sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa naturang soap.

Hindi rin totoong na-insecure siya dahil malaki ang role ng batang si Milkcah Wynne Nacion sa Iglot ka-ya nag-demand siya ng revision ng script. Sa katuna-yan, balitang ini-spoil niya nang husto si Milkcah sa set to the point na nagseselos na mismo ang sarili niyang mga anak.

“I have to explain to Sa-bina that it was only acting. Na-pretend lang ang lahat. Kasi naman sobrang cute talaga ni Milkcah kaya bine-baby ko siya nang husto sa set. I guess, it’s not only me but the whole cast is smitten with Milkcah,”pahayag ni Claudine.

Inihanda na rin niya ang kanyang sarili na sabihin kay Sabina na isa itong ampon. Sa katunayan, nagpapatulong siya sa DSWD sa ta-mang way na magsabi sa ba-ta na hindi talaga sila ni Raymart Santiago ang tunay na mga magulang nito.

“Sabina is already se-ven. And I think it’s time for her to know the truth. Mahirap kasi kung lalo naming papatagalin ni Raymart na i-reveal sa kanya na she’s adopted. Baka lalo niya kaming i-resent later. Actually, nagtatanong na nga siya, kasi minsan sa park ay may batang nanukso sa kanya na  ampon lang namin siya. Doon na ako nataranta  nang husto,” kuwento ni Claudine.

Aminado rin si Claudine na okey na sila ng kanyang sis na si Gretchen Barretto ngayon. Nagkita raw sila sa ospital nang maratay ang kanilang ama dahil sa isang heart attack. Basta stress-free raw siya ngayon at ayos na ang kalagayan ng kanilang daddy at okey na ulit ang relas-yon nila ni Greta.