Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa bagong soap opera ng GMA?

Pero, nang nakausap namin ang anak ni Gloria na si Isabelle Daza, 23, na kung interesado siya sa project na ito para sa soap opera version, mariing “hindi” ang tugon agad ng dalaga sa amin.
Ani Isabelle: “Ayaw kong tularan ang mommy ko (Gloria Diaz) sa pagpapaseksi niya noon. Hindi ko nga kayang mag-swim suit sa ngayon, mag-one- piece bikini pa kaya? Hanggang shorts lang ako sa ngayon. Gusto kong makilala ng televiewers na may ibang talent. Gusto ko, wholesome ako. Kaya hindi nga ako interested na mag-model sa FHM. Gusto kong i-try ang acting. Pero gusto ko rin ang hos-ting at singin. Pero ‘di pa raw ako ready sa singing.”
Sa Sunday, sa Party Pilipinas ay ilu-launch na si Isabelle bilang bagong Kapuso star.
Bago pumasok si Isabelle sa showbiz, nakapag-pre-med course na siya sa De La Salle Universtiy. First project niya sa GMA, buhat nang pumirma siya ng three year exclusive contract, ang game show na pagsasamahan ni-la ni Manny Pacquiao. Pang- Sabadong programa ito na ngayon pa lang ay excited si Isabelle.
