GMA 7 kulang sa matangkad, Isabelle kina Richard at Dingdong lang puwede
Salve Asis
Wala nang makakapigil sa pagsabak sa showbiz ng anak ni dating Miss Universe Gloria Diaz na siIsabelle. Sementado na ang kontrata niya sa GMA7 matapos siyang pumirma ng tatlong taong exclusive contract kamakailan. Magkakaroon siya ng launching bilang Kapuso star sa Linggo.
Matagal bago siya napapayag na mag-join sa mundo ng kanyang nanay na kinalakihan na niya. In fact, ito pa ang nagi-encourage na pasukin na niya ang showbiz pero pabagu-bago ang isip ng dalaga.Tinapos muna ni Isabelle ang kursong Early Childhood Education. Hindi siya nakuntento sa nasabing kurso kaya kumuha siya ng pre-med - Bachelor of Science in Human Biology. Naging teacher din siya sa isang toddler school.
Pero pabagu-bago nga ang isip niya kaya ngayon, type naman niyang mag-host. “She’s pushing me in showbiz before pa. Pero ako pa ang naghi-hesitate kasi ngayon tri-media na eh. Dapat marunong kang sumayaw, kumanta, umarte, mag-host. Kaya hesitant ako in the beginning,” katuwiran ni Isabelle na 23 years old at mahilig sa sports kaya ang ganda ng katawan.
Sa pagpasok niya sa Kapuso Network, iilan ang leading man na matangkad kaya ang choice niya lang in case na papipiliin siya ng ka-partner, sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.
Malabo siyang ma-link sa dalawang aktor. Ang una si Richard, ayon kay Isabelle ay parang related na sila at si Dingdong ay common knowledge na taken na.
