Gap nina Mel Tiangco at Dingdong hindi natuloy
Nitz Miralles
Hindi naapektuhan ang friendship nina Ms. Mel Tiangco atDingdong Dantes nang hindi matuloy ang interview ng actor sa bahay nito ng staff ng Powerhouse program ni Ms. Mel sa GMA News TV dahil sa kapalpakang nangyari sa araw ng interview.
Kaya kahit nagkaroon ng issue, personal pa rin na ibinigay ni Dingdong kay Ms. Mel ang donation niya sa Ogie & Regine Celebrity Ukay-Ukay na ang Kapuso Foundation na pinamumunuan ni Ms. Mel ang beneficiary. Hindi sinabi kung anu-ano ang mga na-donate ni Dingdong sa ukay-ukay na gagawin sa Summer Heat Wave sa World Trade Center sa April 15-17.
Nakuwento ni Dingdong sa press visit namin sa I Heart You Pare na pagkatapos ng insidente sa kanila ng staff ng Powerhouse, tinawagan niya si Ms. Mel at sinabi ang kanyang rason kung bakit hindi niya itinuloy ang interview. Napabalitang umano’y nagalit ang aktor sa staff ng programa ni Ms. Mel dahil hindi sila nagpaalam nang baguhin ang set up ng kanyang bahay.
Samantala, naguluhan kami sa item na pinili ni Dingdong Dantes si Lovi Poe na leading lady sa Aswangng Regal Films at entry sa Metro Manila Film Festival. Ang alam naming bida sa project ay sinaCarla Abellana at Dennis Trillo at matagal na itong alam ng actress. Unless, ibang Aswang project ito, pero hindi ba gagawa ng movie sina Dingdong at Kris Aquino na entry din sa 2011 Metro Manila Film Festival?
