Manager ni Jennylyn, umapela kay Dennis


                                                                                                                     
 Dumalo si Jennylyn Mercado sa hearing ng kasong BP 22 na isinampa nina Leon at Cathy Tan kung saan may tu­malbog na tsekeng nagkakahalagang P115,000 na inisyu umano ng da­ting PA ni Jennylyn na si Mel Pulmano.

Ayon sa manager ni Jennylyn na si Becky Aguila, nadamay si Jennylyn sa ginawang ito ni Mel dahil tseke niya ang ginamit at nai-forge ang pirma. Walang magawa si Jennylyn kundi umapir sa hearing na iyun.

Tahimik ang aktres nang dumating sa QC-RTC at kahit paulit-ulit na tinanong siya ng mga reporter tungkol sa break-up nila ni Dennis Trillo, tikom ang bibig niya.

Nakiusap si Becky na huwag na munang pili­ting magsalita ang aktres dahil hindi pa ito okay at apektado sa pinagdaa­nan niya.
Pati si Mommy Lydia ay apektado rin dahil sob­rang nag-aalala na ito sa anak.

Kamakalawa nang gabi ay inatake raw si Mommy Lydia sa sakit kaya nakakadagdag pa ito sa pag-aalala ni Jennylyn.

Habang tahimik ang dalawa, lalong lumalala ang pangyayari dahil nagkakaroon na ng conflict sina Becky at Popoy Caritativo.

Nakarating kay Becky na may mga ipinu-post daw si Popoy sa Twitter na tila siya ang tinutukoy.
“This Manager is resorting to old tricks para pag-usapan ang alaga niya.
Di kami pumapatol sa gimmick pero ‘pag ako nainis, ilalabas ko ang totoo.”
May mga nag-react sa ipinost na iyun ni Popoy pati ang mga supporter ni Jennylyn.
Wala raw Twitter account si Becky kaya ipinarating na ito sa kanya.

Napag-alamang nag-text din si Popoy kay Atty. Joji Alonzo na pareho nilang abogado.
Gusto lang ipara­ting ni Popoy kay Becky na huwag na raw sanang palabasing may gina­wang masama si Dennis kay Jennylyn.
Lumalabas pa sa text na iyun na parang pinagdududahang si Becky ang source ng PEP kaya lu­mabas ang isyung hiwalayan.
Mariing itinatanggi ni Becky ang natu­rang akusasyon dahil hindi raw niya kilala si Ka­ren Pagsolingan na
unang nagsulat ng balitang iyun.
May ilan pa raw na ipinost si Popoy sa Twitter na pawang pasa­ring daw kay Becky kaya nagpadala ito sa amin ng text na statement nito bilang sagot sa mga sinabi ni Popoy.
“It’s so unbecoming of Popoy to act implusively and inappropriately when he criticized and accused me on Twitter without proper evidence.
“He took it to a personal level and that shows how unprofessional as a manager he is. I demand an apology.
“As for Dennis, all we wanted was an apo­logy because he broke her heart. As a gentleman, you need to know when to keep quiet and when to speak up.
“Even though she’s your ex, may maganda kayong pinagsamahan kaya ipaglaban mo naman because there’s an issue circulating and also it’s the right thing to do not only for a man but as a person.
“Jen is still hurting from this break up and is not ready to talk, to defend herself from all those who are judging her.
“I just hope Dennis takes the initiative to protect Jen and hopefully we can settle these issues amicably and professio­nally. Wala nang perso­nalan and blind items, puwede?”
Ipinaalam namin kay Becky kung puwede naming iparating ito kay Popoy para mahingan namin ito ng sagot, pero tumanggi siya dahil mababasa raw niya ito.
Sagot lang daw niya iyun sa mga ipinu-post ni Popoy sa Twitter.
Huwag na raw sana naming pagsabungin silang dalawa dahil ang gusto lang daw sana niya ay maayos iyun at mapag-usapan nila nang mabuti para hindi na lu­mala ang gulo.
Naka-text din namin si Popoy at gusto na raw sana niyang magsalita na si Dennis pero ayaw raw talaga ng aktor. Pati raw siya ay pinapatahimik na ni Dennis.