Kyla at Rich, next year ang kasal

  Jun Lalin

Conservative ang pamilya ni Kyla, kaya 

ayaw niyang may nasusulat na kung anu-ano tungkol sa relasyon nila ng basketbolistang fiance na si Rich Alvarez.
Nakiusap si Kyla na huwag kong isulat na siya ay isang v_____ bride dahil ayaw raw ng kanyang mga magulang na napag-uusapan in public ang mga ganoong bagay.
Ang sinabi lang ni Kyla, once na ikasal na sila ni Rich, na malamang ay next year mangyari, hindi niya iniisip na magbuntis kaagad dahil gusto muna nilang i-enjoy ang isa’t isa. Uunahin nila ang pagbibiyahe sa iba’t ibang bansa.
“Sa tagal kasi ng relasyon namin (mahigit limang taon na sila), Tagaytay pa lang ang pinakamalayong napuntahan namin together at buong maghapon lang ‘yon.
“Hindi pa kami nakapag-travel abroad together, kaya ‘yun ang prio­rity namin,” sabi ni Kyla.
Kapwa 30 years old daw sila ngayon at sa simbahan sila ikakasal dahil pareho silang Katoliko.
“Wala pa kaming exact date.
Napag-uusapan lang namin noong una na nga­yong 2011 sana, gusto nga namin noong una, June na kaagad, pero imposible dahil mahirap magpa-schedule sa mga simbahan at marami ring seminars na kailangang gawin.
“Kung gagawin namin sa November 11 para 11-11-11, mas mahirap at marami nang ikakasal sa date na ‘yan, kaya next year na lang talaga, pag-uusapan pa lang namin ang exact date,” sabi pa ng isa sa regular singer ng Party Pilipinas.