Rhian Ramos reunites with Aljur Abrenica via Kontrabida Girl


Maganda ang napiling title ng GMA Films sa movie na pagtatambalan nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica na Kontrabida Girl, pero sa title pa lang, alam na kung sino ang bida. Okay kaya ito kay Aljur?
Ang unang balita namin, kasama si Bela Padilla sa cast at ang latest, kasama na rin sina Bea Binene at Jake Vargas. Ang hindi pa namin nadidiskubre ay kung sino ang magdidirek ng pelikula at tama rin ba ang balita naming Valentine’s Day presentation ito ng GMA Films?
Magiging busy kung ganun si Rhian this year and early next year dahil nagsimula na rin siyang mag-taping ng Sundo nila ni Dingdong Dantes.