Rhian at Frank, madalas mag-date


Allan Diones

Inusisa namin si Frank Magalona tungkol kay Rhian Ramos nang makausap namin ang binata sa launch ng Francis Magalona Foundation nu’ng Oktubre 4 (na 47th birth anniversary ng nasi­rang Master Rapper).
Napansin kasi namin na base sa kanyang tweets ay tila si Rhian ang madalas na nakakasamang lumabas ni Frank.
Sa 21st birthday party ni Rhian nu’ng Oktubre 3 ay nandu’n si Frank kasama ng iba pa nilang mga kaibigan. Binigyan pa siya ng gourmet tuyo ng mommy nito.
Ayon sa junior ni Francis M, nakilala niya si Rhian through her sister Maxene Magalona. Madalas silang mag-group date na magbabarkada.
“Kasi si Rhian, she has gone through a lot in a recent past sa buhay niya. Alam naman ng lahat ‘yon, ‘di ba? Pero hindi ako nanliligaw, kaibigan ko lang po ‘yon,” nakangiting dayalog sa amin ni Frank.
Ngayon pa lang daw sila nagkakakilala nang husto ng Kapuso young actress. Kumbaga ay nasa getting to know stage pa lang sila.


Posible bang ligawan niya si Rhian?
“Hindi natin masasabi. Kasi, life is uncertain. Siyempre, maganda si Rhian. Pero hindi ko bini-base sa physical ang pagkagusto ko sa isang babae, eh.


“Kumbaga, bonus na lang ‘yon. Ang tinitingnan ko is substance.
“Kami nina Rhian, ‘pag lumalabas kami, as a group talaga. Pero wala akong pakay, wala akong intensyon na sumabak sa isang relasyon ngayon dahil focused muna ako sa trabaho,” sabi ng 24-an­yos na binata, na huling napanood sa afternoon drama series ng GMA na Blusang Itim.
Ayon kay Frank ay si Rhian lang ang girl na madalas niyang nakakasama ngayon sa paglabas-labas.
2009 pa nang mag-break sila ng last girlfriend niyang si Nica Peralejo (pamangkin ni Rica Peralejo).
So, posibleng si Rhian na ang ligawan niya at maging next girlfriend?
“Ha! Ha! Ha! Hindi ko alam. Puwede. Bahala na!” natatawang sagot niya.
Kinantiyawan namin si Frank na bakit hindi siya sumali sa nakaraang Cosmo Bash, samantalang ang ganda ng katawan niya.


Dati ay may ginamit siyang Twitter avatar na ang sexy niya dahil topless siya at kita ang abs.
“Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako inim­bita ng Cosmo, eh! Ako, talagang nag-expect ako na iimbitahin nila ako, pero hindi nila ako inimbita,” game na sagot niya.
Ani Frank, sakaling imbitahan siya next year ay okey sa kanyang rumampa sa Cosmo Bash.
“Pero siyempre, kailangan ko munang pagandahin ang katawan ko kung rarampa ako doon. Kasi, ayoko naman na rarampa ako at magpi-fee­ling ako na, ‘Imbitahin n’yo naman ako!’ pero pagdating doon, ang taba ko naman! Ha! Ha! Ha!”
Irregular ang pagwo-workout niya pero as mush as possible ay nagka-cardio exercise siya at whole body workout.
Natural na mabilis ang metabolism niya, kaya hindi siya tumataba.