Pia Magalona, mabait kay Julie Anne


50/50 ang chance ni Elmo Magalona sakaling manligaw siya sa ka-loveteam niyang si Julie Anne San Jose.
“Eh kasi po, marami pong reasons kung bakit. Siguro, we’re still young and hindi pa po ako open sa kahit anong relationship.
“Pero hindi naman po sa tinatanggihan ko. Darating naman po du’n sa time na ‘yun. Darating talaga ‘yun.
“Kasi, gusto din po ng parents ko na huwag po muna sana. Kasi, masyado pa po kaming bata at marami pa kaming priorities na kailangan talagang unahin,” sabi ng 17-anyos na si Julie Anne.
Nasasaktan ba siya ‘pag may nali-link na ibang girl kay Elmo?
“Hindi naman po. Kasi, ano naman po ‘yan eh, wala naman po ako du’n sa personal life niya or sa private life niya.
“As long as masaya po siya. Hindi naman po ako nasasaktan, kasi friend ko naman po siya.
Hindi siya naaapek­tuhan?

“No, hindi naman po. Okey lang naman po sa akin. Kasi, sabi ko nga po, I’m being professio­nal at all times and we work professionally.
“At saka we always try our best para pakiligin ang mga fans, ganu’n.”
Nanliligaw ba sa kanya si Elmo?
“Hindi ko po alam, eh. Pero ngayon po, parang ano, we’re still getting to know each other pa naman po.
“Basta, magkaibigan pa rin naman po kami ni Elmo and we’re still enjoying each other’s company,” sabi pa ng ba­gets singer na hindi pa raw nagkaka-boyfriend.
Nalaman namin from Julie Anne na ang showbiz crushes niya ay hindi tween na kagaya niya at ni Elmo kundi sina Richard Gutierrez, Dennis Trillo at Dingdong Dantes.
“Mga crush-crush lang naman po ‘yun. I just find them attractive, pero not to the point na tala­gang crush ko talaga sila. “Elmo naman is a really nice guy. He’s composed, he is really, really talented.
Parang nakikita ko talaga sa kanya si Francis M.
“Eh idol ko po talaga si Francis M. So, parang dumating po sa point na naa-admire ko siya (Elmo), kasi magaling siya. Tapos, nakakapag-inspire pa siya ng maraming tao.”
Si Elmo ba ‘yung tipo na puwedeng maging boyfriend?
“Hindi ko masasabi ‘yan, eh!” natatawang sagot ng dalagita.
Bakit may balitang ayaw sa kanya ng mom ni Elmo na si Pia Magalona?
“Hindi ko po alam. Wala naman po akong nararamdaman na gano’n.
“Kasi, mabait naman po si Ms. Pia sa akin and mataas po talaga ang respeto ko sa kanya. Ibinabalik ko lang din po ‘yung respeto na binibigay niya sa amin.
“Siyempre po, ‘yung trust na binibigay niya sa akin na ma-partner kay Elmo, nakaka-flatter din ‘yun.
“And siyempre, may compliments din siya na sinasabi sa akin. So, parang hindi ko rin po alam kung may something ba na parang negative feeling. Parang wala po siguro.”
Bukod sa Party Pili­pinas, magkasama rin sina Julie Anne at Elmo sa Daldalita ng GMA.