Lovi's camp denies rumors against the actress

Noel Asiñas
Isang  source na malapit kay Lovi Poe ang nag-deny sa mga lumalabas na isyu tungkol sa aktres ngayon.

Halimbawa, ‘yung isyung may relasyon daw sina Lovi at Jake Cuenca.

Salag ng close kay Lovi,  hanggang pelikula lang daw ang naging relasyon ng dalawa dahil lumabas silang lovers sa My Neighbor’s Wife.

Dahil walang relasyon sina Lovi at Jake, kaya lalong walang katotohanan ang kumakalat na tsikang niregaluhan ni Gov. Chavit Singson si Jake ng mga bala ng  baril, as if, warning na ‘wag pakikialaman ng aktor ang girlfriend ng kanyang anak na si former  Cong. Ronald Singson.

Busy si Lovi sa dalawang movies niya na parehong Aswang ang titulo.

Napapanood din siya tuwing Sunday sa Party Pilipinas at may coming soap opera pa siya sa GMA7 kaya walang panahon si Lovi sa pag-ibig.