Bela, ginugulo pa rin ng fans ni Marian


Gorgy Rula

Naungkat muli ang isyu nina Marian Rivera at Bela Padilla nang  nakausap namin ang huli sa fashion show ni Francis Libiran kamakalawa nang hapon sa Makati Shangri-La.
Since nagkabati na sina Marian at Rhian Ramos, tinanong namin si Bela kung nakahanda na ba siyang makipagbati sa bida ng Amaya.
Hindi lang namin sure kung okay lang ba ito kay Marian.
Sinabi sa amin ni Bela na noon pa man ay matagal na niyang kinalimutan ang tungkol sa kanila ni ­Marian at gusto na niyang mag-move on at magtrabaho na lang na hindi na nai-involve sa ganu’ng isyu.


Ang ikinasasama lan niya ng loob ay patuloy pa rin siyang nakakatanggap ng hate mails mula sa fans ni Marian.

“It’s not right, eh. It’s not part of a human to say bad things about another person. It’s very depressing.
“Especially when you’re tired from work.
“I work like other people, you know. The difference is that I put make-up.

“Pero ‘yung trabaho ng artista, minsan mas mahirap pa sa trabaho ng accountant, ng teacher, na di n’yo lang alam na puyat na puyat din kami.
“Tapos, pag nagbasa ka, ganu’n pa ang nababasa ko,” himutok ni Bela.
Aware daw siyang hindi na ito alam ni Marian, kaya lang sana, tigilan na siya ng fans nito.

“Honestly, I have done a lot of good work this year. I haven’t done anything to shame my parents, to shame my family, myself.
“There’s nothing I’m guilty of. So, the feedbacks I should be receiving, it’s positive. That’s how I think kasi, di ba?
“Let love beget love. So, you should do something positive, your outcome should be positive also.
“Right now, I ­really just don’t focus on the hate messages anymore kasi and it’s konti na rin naman and I’m happy na medyo nakakalimutan na rin ‘yung isyu,” bawi ni Bela.

Nang tinanong namin ang talent mana­ger na si Popoy Caritativo kung puwedeng pasagutin namin ito kay Marian, tinanggihan niya kaagad kami.
Sobrang tagal na raw ng isyu at matagal na rin daw silang nakapag-move on.