Jennylyn: I'm not a homewrecker

Nag-react si Jennylyn Mercado sa Twitter sa pagdadawit sa kanya sa isyu nina Claudine Barretto at Raymart Santiago. First tweet nito: “Narinig ko na ’yan. Haha! Parang mga sira noh! Parang too late na ’yun para sa Futbolilits promo. May respeto ako sa pamilya ng may pamilya. So not true.”

Sunod na tweet ay: “It’s a beautiful day! ’Wag na natin sirain araw natin. Importante wala tayong tinatapakan at sinisirang tao at pamilya. I’m happy sa takbo ng career at relationship ko sa family & friends ko.”

Sinundan pa ng: “May mga single naman… ’wag naman ako idamay sa pamilyado. Thanks. May pinagdadaanan kasi ’yung ibang mga tao dinadamay ako. Laughtrip sila.”

Samantala, na-tweet din ni Jennylyn na may bonding sila ng mga protégés, kung saan, siya ang host sa Inside Protégé. Nang ma-interview namin ito, sina Kenneth Monico at Lirah Bermudez ang tingin niya malakas ang laban, nagbago na kaya ang choices niya o nadagdagan?