Carla, hindi nati-threaten kay Heart

Ruel Mendoza


Natutuwa raw at hindi nati-threaten si Carla Abellana sa muling pagtatambal ng kanyang boyfriend na si Geoff Eigenmann at dati nitong ka-loveteam na si Heart Evangelista sa isang drama series sa GMA-7.

Katunayan, excited daw si Carla dahil matagal na raw hindi napapanood ang dalawa na magkasama. Noong isang linggo ay may ginawang episode for Spooky Nights sina Heart at Geoff.

“Maganda ‘yon kasi may fan-base naman na sila noon pa. And it would be nice to see them together again in one show, ‘di ba? Ang alam ko kapag Party Pilipinas lang sila nagkakasama, eh. Matagal na silang hindi nakagawa ng isang drama series. I guess it’s already time na may gawin na sila,” sabi ni Carla.

Kaya matagal pang gagawa ulit ng serye si Carla na kasama si Geoff ng isang series.

“Oo nga, matagal pa kami ulit magkakasama. Right now, on-going ang Kung Aagawin Mo Ang Langit which is doing very well sa afternoon prime ng GMA-7. Nagkikita naman kami parati ni Geoff on our own time. Kapag hindi kami busy pareho, nagkakasama kami.”

Nagpapasalamat si Carla sa Young Critics Circle ng University of the Philippines dahil sa best performance award na ginawad sa kanya para sa performance niya sa Punerarya episode ng Shake, Rattle & Roll 12. Hindi nga raw ini-expect ni Carla na mabibigyan siya ng naturang award na mula sa YCC ng UP.

Inaalam nga raw ni Carla kung kailan ang awarding ng YCC dahil gusto niya na personal niyang tanggapin ang naturang trophy at magpasalamat siya sa mga bumubuo ng YCC.