Carla gustong matutong umarte sa magiging biyenan


Sinabi ni Carla Abellana, gusto niyang mag-workshop sa ina ng kanyang boyfriend (Geoff Eigenmann) na si Gina Alajar. Gusto niyang madagdagan pa ang kanyang kaalaman sa pag-arte at naniniwala siya na marami siyang matutunan kay Gina. ‘Yun nga lamang, hindi pa niya ito nakakausap.
Samantala, going strong pa rin ang relationship nila ni Geoff. Hindi ito apek­tado sa biglang pagbabago ng kanyang image.--Veronica Samio