Alaga ni Jaya tamad maligo!
Nagrereklamo ang mga viewers ng Inside Protégé sa pagpu-focus ng show sa love angle ng protégés. Pinalaki raw ang crush ni Nomer Limatog na manok ni Rachelle Ann Go kay Denise Barbacena na alaga ni Gloc 9.
Ang kasunod ay ang pagkakaroon ng crush ni Sander ng So Wat? kay Jensen Teoso na protégé ni Claire dela Fuente na hindi nito nagugustuhan.
Isyu rin ang pagiging gay daw ni Kenneth Monico na alaga ni Jay-R, pero ang mas malaking isyu para sa amin ay ang katamarang maligo ni Lovely Embuscado, manok ni Jaya. Mabuti hindi nababahuan sa kanya ang mga kasama?
Idinulog din ni Jaya si Lovely sa pyschiatrist dahil sa mga ikinikilos nito. Ang findings ng doktor, takot lang maalis sa contest ang dalagita dahil natikman ang masarap na buhay sa Protégé quarters.
Naku, paano kung siya ang unang maalis sa first elimination night sa Sunday? Magwala kaya ang bagets?